Park Eun-hye | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | |
Edukasyon | Seoul Institute of the Arts Creative Advertising |
Trabaho | Artista, modelo |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 박은혜 |
Hanja | 朴恩惠 |
Binagong Romanisasyon | Bak Eun-hye |
McCune–Reischauer | Pak Un-hye |
Si Park Eun Hye (Hangul: 박은혜; ipinanganak Nobyembre 7, 1982),[1], propesyunal na kilala bilang Ivy (Hangul: 아이비), ay isang artista at mang-aawit mula sa Timog Korea.[2] Dating isang nagsasanay sa JYPE, unang lumabas si Ivy sa musikang bidyo ni Lee Soo Young na "Holding onto the Flowers" noong 2005. Opisyal na una siyang lumabas bilang mang-aawit noong 2005 nang naglabas siya ng single na "What Happened Tonight" (Koreano: 오늘밤 일). Ang kanyang ikalawang opisyal na single na "A ha" ay isang awitin na R&B na may dagdag tiyempo na may sayaw na sikat na nilalagyan ng patawa o parodya ni Park Kyung-lim sa X-Man. Noong parehong panahon, nilunsad ni Ivy ang awiting "I Am a Fool" (Koreano: 바본가봐), isang ballad na kanyang tinanghal kasabay ang "A ha". Napunta sa ika-48 puwesto ang kanyang album sa taon na iyon.[3]