Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Si James II ng Inglatera, na nakikilala rin bilang James VII ng Eskosya (Ingles: James II of England, James VII ng Scotland) (14 Oktubre 1633 - 16 Setyembre 1701), at tinatawag pa din bilang Jacobo II ng Inglatera at Jacobo VII ng Eskosya (sa pagkakataong ito, ang "Jacobo" ay ang katumbas sa wikang Tagalog at wikang Kastila ng pangalang Ingles na "James"), ay ang naging Hari ng mga Eskoses, Hari ng Inglatera, at Hari ng Irlanda noong 6 Pebrero 1685, at Duke ng Normandy noong 31 Disyembre 1660. Siya ang huling haring Katoliko Romano ng Eskosya, Inglatera, at Irlanda. Ang ilan sa kaniyang mga mamamayan ay hindi nagustuhan ang kaniyang mga ideyang panrelihiyon, kung kaya't ang mga ito ay namuno ng isang pangkat upang suwayin at labanan siya. Tinawag itong Himagsikang Maluwalhati sapagkat walang sinumang namatay noong maganap ito. Hindi siya pinalitan ng kaniyang anak na lalaking Katoliko Romano na si James Francis Edward Stuart, bagkus ang humalili sa kaniya ay ang kaniyang anak na babaeng Protestante na si Mary II ng Inglatera at ng kaniyang manugang na lalaki (asawa ni Mary II) na si William III ng Inglatera (William II ng Eskosya), na naging mga pinuno ng kaharian noong 1689.
Ang paniniwala na si James, hindi sina William III o Mary II, ay ang nag-iisang tunay na pinuno ay naging tinatawag na Jocobitismo o Jacobismo (magmula sa Jacobus o Iacobus, Latin para sa pangalang James). Gumawa si James ng isang seryosong pagtatangka na muling kuhanin ang kaniyang trono noong lumapag siya sa Irlanda noong 1689. Pagkaraan ng kaniyang pagkatalo sa Labanan ng Boyne noong tag-araw ng 1690, nagbalik siya sa Pransiya, at namuhay doon sa loob ng panahon ng kaniyang natitira pang buhay sa ilalim ng proteksiyon ni Haring Louis XIV ng Pransiya. Ang kaniyang anak na lalaking si James Francis Edward Stuart (Ang Matandang Mangpapanggap) at ang kaniyang apong lalaking si Charles Edward Stuart (Ang Nakababatang Mangpapanggap at nakikilala rin bilang Bonnie Prince Charlie o "Bonnie Prinsipe Charlie") ay nagtangkang papanumbalikin ang guhit na pangsalinlahi na Jacobita (tinatawag sa Ingles bilang Jacobite) pagkaraan ng pagkamatay ni James, subalit nabigo ito.