Ang Jewel in the Palace, kilala din bilang Dae Jang Geum (대장금) o The Great Jang Geum, ay isang telenobela noong 2003 na nilikha Koreyanong tsanel ng telebisyon ang MBC.
Hindi gaanong tumpak na binatay sa makasaysayang tao sa Mga Ulat sa Dinastiyang Joseon, ipinapakita ng palabas si Jang-geum (ginampanan ni Lee Young Ae), ang unang babaeng manggagamot para sa Dinastiyang Joseon ng Korea. Ang pangunahing tema ng palabas ang pagtitiyaga, gayon din ang pagpapakita ng tradisyunal na kultura ng Korea, kabilang ang mga lutuin sa palasyo ng hari at medisina.