Jose C. Abriol

Jose C. Abriol
Kapanganakan4 Pebrero 1918
Kamatayan6 Hulyo 2003 (sa edad na 85)
Trabahopari, tagapagsalin ng Bibliya
Kilalang gawaAng Banal na Biblia

Si Jose C. Abriol[1][2] (4 Pebrero 1918[3] - 6 Hulyo 2003[3]) ay isang Pilipinong pari ng Simbahang Romano Katoliko, monsenyor, at tagapagsalin ng Bibliya mula sa Pilipinas. Naging opisyal siyang kasapi ng kaparian noong 14 Mayo 1942. Isinalinwika niya ang Banal na Bibliya mula sa orihinal na Hebreo at Griyego. Bukod dito, naging rektor din siya ng Katedral ng Maynila mula 1962 hanggang 1975, na kaalinsabay ng pagiging kansilyer (chancellor) ng Arkidiyosesis ng Maynila. Bihasa siya sa siyam na mga wika, sa Kastila, Latin, Griyego, Hebreo, Italyano, Ingles, Aleman[4] at Tagalog (Filipino). Ayon sa opisyal na websayt ng Metropolitanong Katedral ng Maynila sa Pilipinas, si Abriol ang una at nagiisang Pilipinong naparangalan bilang isa sa 2000 Bukodtanging Intelektuwal ng ika-21 Daantaon ng Pandaigdigang Lundayang Pangtalambuhay (Internasyunal na Sentrong Biyograpiko, o International Biographical Centre, IBC) ng Inglatera noong Pebrero 2003.[1][2][4] Naglingkod siya bilang pari sa loob ng animnapung mga taon. Namatay siya sa edad na 85, limang buwan makalipas na matanggap ang kaniyang parangal.[1][2][3][4] Itinuturing siya bilang isa sa mga "dakilang intelektuwal ng Simbahang Pilipino at ng mundo."[3][4]

  1. 1.0 1.1 1.2 Msgr. Jose C. Abriol (1962-1975) Naka-arkibo 2009-01-24 sa Wayback Machine., Basilika Menor ng Imaculada Concepcion, Metropolitanong Katedral ng Maynila, ManilaCathedral.org
  2. 2.0 2.1 2.2 Jose C. Abriol Naka-arkibo 2009-01-06 sa Wayback Machine., opisyal na websayt ng Metropolitanong Katedral-Basilika ng Maynila, ManilaCathedral.org
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Msgr. Jose Abriol: A Great Church Intellectual Passes Away Naka-arkibo 2011-05-27 sa Wayback Machine., websayt ng Romano Katolikong Arsodiyosesis ng Maynila, RCam.org
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Macairan, Evelyn Z. Msgr. Abriol, Church Intellectual, Dies at 85, News, ManilaStandardToday.com

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne