Joseph Anton Koch

Isa sa mga litrato na ipininta ni Joseph Anton Koch: Tanawing kasama si Noe, ca. 1803.
Isa pang ipinintang larawan ni Joseph Anton Koch na may bahaghari.

Si Joseph Anton Koch (27 Hulyo 1768 - 12 Enero 1839) ay isang pintor na taga-Austria. Namuhay siya sa Roma, kung saan ipinakita niya ang kagalingan sa pagpipinta ng mga tanawing naglalarawan ng kalikasan at mga tauhan mula sa Bibliya. Batay sa mga tanawin sa Alemanya noong kapanahunan niya ang kaniyang mga akdang may impluho ng Klasisismong Pranses at ng umuusbong na Romantisismo.[1]

  1. "Museong Pang-sining ng Milwaukee (Milwaukee Art Museum), 2006". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-07. Nakuha noong 2008-02-19.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne