Joseph Ejercito Estrada | |
---|---|
Alkalde ng Maynila | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2013 – 30 Hunyo 2019 | |
Nakaraang sinundan | Alfredo Lim |
Sinundan ni | Isko Moreno |
Ika-13 Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1998 – 20 Enero 2001 | |
Pangalwang Pangulo | Gloria Macapagal-Arroyo |
Nakaraang sinundan | Fidel V. Ramos |
Sinundan ni | Gloria Macapagal-Arroyo |
Ika-9 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998 | |
Nakaraang sinundan | Salvador H. Laurel |
Sinundan ni | Gloria Macapagal-Arroyo |
Personal na detalye | |
Isinilang | Tondo, Manila | 19 Abril 1937
Partidong pampolitika | Partido ng Masang Pilipino (PMP) |
Asawa | Luisa Pimentel |
Trabaho | Aktor |
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, at kilala rin sa kanyang palayaw na Erap, ay politiko at dating aktor na naglingkod bilang ikalabintatlong pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.