Marie Josephine Leopoldine Bracken | |
---|---|
![]() A studio portrait of Bracken in Filipino attire, 1896 | |
Kapanganakan | Marie Josephine Leopoldine Bracken 8 Agosto 1876 |
Kamatayan | 15 Marso 1902 Hong Kong | (edad 25)
Libingan | Happy Valley Cemetery, Hong Kong[1] |
Kilala sa | La viuda de Rizal ("The Widow of Rizal") |
Asawa | José Rizal (1896) Vicente Abad (m. 1900) |
Kinakasama | José Rizal (1895–1896) |
Anak | 2[1] |
Si Marie Josephine Leopoldine Bracken (Agosto 8, 1876 - Marso 15, 1902) ay ang nakaisang palad ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal sa kanyang pagkakatapon sa Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte sa katimugan ng Pilipinas . [2] [3] [4] Noong umaga ng Disyembre 30, 1896, araw ng kanyang pagbitay sa pamamagitan ng pagbaril, ang mag-kasintahan ay nagpakasal sa Fort Santiago, ang lugar ng kanyang piitan, kasunod ng kanyang pakikipagkasundo sa Simbahang Katoliko . Ang kasal ay pinagtatalunan ng ilang mga sektor dahil walang natagpuan na mga pagtatala patungkol sa pagiisang dibdib, sa kadahilanan ng mga hindi pangkaraniwang mga kaganapan sa araw na iyon, kahit na pinatunayan ito mismo ni Josephine at ng namumunong pari. [5] [6] [7] [8]