Ang Juken Sentai Gekiranger (獣拳戦隊ゲキレンジャー Jūken Sentai Gekirenjā), na Beast-Fist Squadron Gekiranger sa Ingles, ay ang ika-31 sa Super Sentai series. Produksiyon ng Toei Company, pinalabas sa TV Asahi noong 18 Pebrero 2007 hanggang 10 Pebrero 2008, na may 49 na kabanata. Ang ilang sa mga eksena ng naturang serye ay ginamit sa Power Rangers: Jungle Fury. Naipalabas din sa bansang Timog Korea sa pamagat na Power Rangers: Wild Spirits (Koreano: 파워레인저 와일드스피릿).