Ang K-pop (Koreyano: 가요, Gayo) (daglat ng Korean pop) ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng mga Facebook fan pages, iTunes, Twitter, at music videos sa Youtube, ang abilidad ng K-pop na maiparating sa mga dati’y hindi ma-abot-abot na mga tagapakinig sa pamamagitan ng Internet ay naging mas madali. Ang mga ito ay naging daan upang ang K-pop maging isang tampok at popular na kategorya ng musika.
Sa ngayon, ang Timog Korea ay isa sa mga pinakamalaking tagalikha ng contemporary music o pangkasalukuyang musika sa Pasipiko. Ang kanilang popular na kultura ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa contemporary music sa Pasipiko, lalong lalo na sa China, Hong Kong, Japan, Taiwan, at Vietnam. And K-pop ay unti-unting nagkakaroon ng posisyon sa rehiyon, katulad ng posisyon ng musika ng mga Amerikano sa Europa at ng ibang parte ng Kanluran, hanggang sa mga taon ng 1990’s.