KC Concepcion

KC Concepcion
Si KC sa komperensya ng mamamahayag para sa kanyang konsiyerto sa Estados Unidos, Nobyembre 2010
Kapanganakan
Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion

(1985-04-07) 7 Abril 1985 (edad 39)
Maynila, Pilipinas
NagtaposAmerikanong Unibersidad ng Paris
TrabahoArtista, mang-aawit, taong mapagkawanggawa
Aktibong taon1999–kasalukuyan
Ahente
    • Star Magic (2010–2011)
    • Viva Artists Agency (2011–2016)
    • Cornerstone Entertainment (2020–kasalukuyan)
Magulang
Kamag-anakPablo Cuneta (lolo)
Tito Sotto (lolo sa tiyuhin ng magulang)
Helen Gamboa (lola sa tiyahin ng magulang)
Gian Sotto (tiyuhin)
Ciara Sotto (tiyahin)
Gary Valenciano (tiyuhin sa amain)
Gab Valenciano (pinsan sa amain)
Frankie Pangilinan (kapatid sa ina)
Donny Pangilinan (pinsan sa amain)

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion (pagbigkas sa Tagalog: [kuˈnɛtɐ kɔnˈsɛpʃon]; ipinanganak noong Abril 7, 1985) ay isang artista, mang-aawit, at taong mapagkawanggawa mula sa Pilipinas. Kabilang sa mga pinagbidahan niyang pelikulang Pilipino ang For The First Time (2008) at When I Met U (2009). Bumida din siya sa mga seryeng pantelebisyon tulad ng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).

Madalas siyang binabansagang "Mega Daughter", bilang pantukoy sa panpalayaw ng kanyang ina na si Sharon Cuneta na binabansagang "Megastar". Siya din ang unang Embahador Laban sa Gutom ng Pandaigdigang Programa sa Pagkain (World Food Programme) ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1] Embahador din siya[2] ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines (Pandaigdigang Pondo para sa Kalikasan, Pilipinas).

Bilang mang-aawit, naglabas siya ng mga pang-komersyal na album. Karagdagan dito, umawit siya sa pagbubukas ng Palaro ng Timog Silangang Asya ng 2011 kasama sina Agnez Mo and Jaclyn Victor na ginanap sa Indonesia.[3]

  1. "WFP National Ambassador Against Hunger KC Concepcion Reflects On Africa Visit". World Food Programme (sa wikang Ingles). Enero 26, 2011. Nakuha noong Mayo 27, 2013.
  2. "Hello, Panda! KC Concepcion officially joins the Panda Family as the newest WWF-PH Ambassador" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 2, 2020.
  3. "KC in Indonesia for SEA Games". ABS-CBN (sa wikang Ingles). Nobyembre 10, 2011. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne