> $64,000 $32,000 – 64,000 $16,000 – 32,000 $8,000 – 16,000 $4,000 – 8,000 | $2,000 – 4,000 $1,000 – 2,000 $500 – 1,000 < $500 hindi makukuha |
Ang kabuuang domestikong produkto (Ingles: gross domestic product o GDP) ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Ang GDP bawat tao ay kadalasang itinuturing paghihiwatig ng pamantayan ng pamumuhay;[2] ang GDP bawat capita ay hindi isang sukat ng pansariling sahod. Sa ilalim ng teoriyang ekonomiko, ang GDP bawat tao ay ganap na katumbas ng kabuuang katutubong sahod (Gross domestic income o GDI) bawat tao. Ang GDP ay nauugnay sa mga pambansang kuwenta na isang paksa sa makroekonomika. Ang GDP ay hindi dapat ikalito sa Kabuuang Pambansang Produkto (gross national product o GNP) na naglalaan ng produksiyon batay sa pag-aari.