Kagawaran ng Tanggulang Bansa Department of National Defense | |
---|---|
Pagkakatatag | Nobyembre 1, 1939 |
Kalihim | Hen. Carlito Galvez Jr., PA (Ret.) |
Salaping Gugulin | P520.331 milyon (2008)[1] |
Websayt | www.dnd.gov.ph |
Muling Natatag | 21 Disyembre 1935 |
Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Ingles: Department of National Defense o DND) ay ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad sa Pilipinas. Mayoroon itong kakayanang mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), Office of Civil Defense (OCD), Tanggapan ng Ugnayan sa mga Beterano ng Pilipinas (PVAO), Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas (NDCP), at Arsenal ng Pamahalaan (GA).
Ito ay pinamumunuan ng kalihim ng Tanggulang Pambansa na kasapi ng gabinete ng pangulo ng Pilipinas. Ang kasalukuyang kalihim nito ay si Carlito Galvez Jr..