Department of Transportation | |
![]() | |
Buod ng Department | |
---|---|
Pagkabuo | Enero 23, 1899 |
Binuwag | Hunyo 30, 2016 bilang Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon |
Punong himpilan | Clark Freeport, Mabalacat, Pampanga |
Taunang badyet | ₱52.9 billion (2015)[1] |
Tagapagpaganap Department |
|
Websayt | dotr.gov.ph |
Ang Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas (Ingles: Department of Transportation o DOTr) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may tungkuling mangalaga at magpalawak ng independente, mahusay, at maaasahang sistema ng transportasyon at komunikasyon bilang epektibong kagamitan para sa pagkabangon at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2016, ang pangalan ng kagawaran ay Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC; Ingles: Department of Transportation and Communication). Ang pag-alis ng komunikasyon sa tungkulin ng DOTC ay ayon sa naipasang batas noong ika-20 ng Mayo 2016, ang Batas Republika Blg. 10844 o An Act Creating the Department of Information and Communications Technology na inatasan ang lahat ng mga yunit at ahensiya na ukol sa komunikasyon ay magsama-sama upang buuin ang Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon.