Kahariang Herodiano ng Judea
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
37 BCE–4 BCE | |||||||||
![]() Ang Judea sa ilalim ni Dakilang Herodes | |||||||||
Katayuan | Kliyenteng estado ng Republikang Romano at Imperyong Romano | ||||||||
Kabisera | Herusalem | ||||||||
Karaniwang wika | Griyegong Koine, Aramaiko, Latin, Wikang Hebreo | ||||||||
Relihiyon | Second Temple Judaism Samaritanism Roman imperial cult | ||||||||
Pamahalaan | Autokrasya | ||||||||
Hari | |||||||||
• 37 BCE - 4 BCE | Dakilang Herodes | ||||||||
Panahon | Augustan Age | ||||||||
• pananakop ng Kahariang Hasmoneo | 37 BCE | ||||||||
• Pagkakabuo ng Tetrarkiya ng Judea | 4 BCE | ||||||||
Salapi | salaping Herodiano | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng |
Ang Kahariang Herodiano ng Judea[1][2] ay isang kliyenteng estado ng Republikang Romano mula 37 BCE nang hirangin si Dakilang Herodes na "Hari ng mga Hudyo" ng Senadong Romano.[3] Nang mamamatay si Dakilang Herodes noong 4 BCE, ang kanyang kaharian ay nahati sa tetrarkiyang Herodiano.
Ang unang panghihimasok ng Republikang Romano sa rehiyong ito ay mula 63 BCE kasunod ng waksa ng Ikatlong Digmaang Mithiridatiko nang likhain ng Roma ang Romanong probinsiya ng Syria. Pagkatapos matalo ni Mithridates VI of Pontus, kinukbok ni Dakilang Pompey ang Herusalem noong 63 BCE. Ang reynang Hasmoneo na si Salome Alexandra ay kamakailang namatay at ang kanyang mga anak na lalake ay na sina Hyrcanus II at Aristobulus II ay nagdigmaan sa isang digmaang sibil. Noong 63 BCE, si Aristobolus ay sinalakay sa Herusalem ng mga hukbo ng kanyang kapatid. Nagpadala siya ng kinatawan sa kinatawan ni Pompey na si Marcus Aemilius Scaurus. Nagalok ng malaking suhol si Aristobolus na tinanggap ni Pompey. Pagkataposy ay inakausahan ni Aristobolus si Scaurus ng pangingikil. Dahil bayaw ni Pompey si Scaurus, naghiganti si Pompey sa pamamagitan ng paglalagay kay Hycarnus bilang Pinuno ng Kaharian at Dakilang Saserdote ng Israel. Nang matapos ni Julio Cesar si Pompey, si Hyrcanus ay hinalinhan ng kanyang kortesanong si Antipate na Idumeo na kilala rin bilang Antipas bilang unang Prokurador na Romano. Noong 57–55 BCE, ang prokonsul na si Aulus Gabinius ng probinsiyang Romano ng Syria ay naghati ng Kahariang Hasmoneo sa limang distrito ng Sanhedrin/Synedrion (mga konseho ng batas).[4] Pagkatapos paslangin si Julio Cesar noong 44 BCE, ang Romanong Republikanong heneral at embahador sa Imperyong Parto ay pumanig kay Brutus at Cassius sa digmaang sibil ng mga Tagapagpalaya. Pagkatapos nilang matalo, si Labienus ay sumali sa mga Parto at tumulong sa kanila upang sakupin ang mga teritoryong Romano nooong 40 BCE. Tumawid ang hukbo ng Imperyong Parto sa Ilog Eufrates at nahikayat ni Labienus si garrison ni Mark Antony sa Syria na sumali sa kanilang mga layunin. Hinati ng mga Parto ang kanilang at sa ilalim ni Pacorus ay sinakop ang Levant mula baybaying Phoenicia hanggang sa Lupain ng Israel.