Kalakhang Maynila

Kalakhang Maynilà
Metro Manila

ᜃᜎᜃ᜔ᜑᜅ᜔ ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ

Kamaynilaan
Pambansang Punong Rehiyon
National Capital Region (NCR)
Estasyong J. Ruiz
Kutang Santiago
Abenida Epifanio de los Santos
Bantayog ni Rizal
Katedral ng Maynila
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′N 121°00′E / 14.58°N 121°E / 14.58; 121
Bansa Pilipinas
Nangangasiwang entidadPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
Naitatag7 Nobyembre 1975[1]
Binubuo ng
Pamahalaan
 • UriKalakhang pamahalaan sa ilalim ng desentralisadong balangkas[2]
 • KonsehoPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
 • TagapanguloDanilo Lim (LP)
 • Konsehal ng kalakhanKonseho ng kalakhang Maynila
Lawak
 • Kalakhan at Rehiyon619.57 km2 (239.22 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)[3]
 • Kalakhan at Rehiyon12,877,253
 • Kapal21,000/km2 (54,000/milya kuwadrado)
 • Metro24,100,000 (Hindi pagtitipon, lugar ng kalakhan)
mga demonymTagalog: Manileño(-a), Manilenyo(-a), Taga-Maynila
Ingles: Manilan;
Kastila: manilense,[a] manileño(-a)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
IDD:area code+63 (0)2
Kodigo ng ISO 3166PH-00
GDP (2020)5.8 trilyon
$120.56 bilyon
Bilis ng paglagoIncrease (7.5%)
PulisyaNCRPO
Palatandaan ng pagunlad ng mga mamamayan (HDI)Increase 0.837 (Sobrang taas)
Antas ng HDIPangalawa (2015)
Websaytmmda.gov.ph
  1. Ito ang orihinal na pagsasalin sa wiking Espanyol, at ginamit din ito ni José Rizal sa kanyang obra na El filibusterismo.

Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metropolitan Manila), tinatawag din bilang Pambansang Rehiyong Kapital[5] (Ingles: National Capital Region), ay ang kabiserang rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng Pilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod: ang Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Quezon, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may sukat na 619.57 square kilometre (239.22 mi kuw) at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015.

Makati

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427[6]. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon[7][8].

  1. "Presidential Decree No. 824 November 7, 1975". lawphil.net. Arellano Law Foundation. Nakuha noong 14 Enero 2014.
  2. Manasan, Rosario; Mercado, Ruben (Pebrero 1999). "Governance and Urban Development: Case Study of Metro Manila" (PDF). Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series (99–03). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Disyembre 2018. Nakuha noong 15 Disyembre 2018.
  3. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  4. "The Principal Agglomerations of the World". citypopulation.de. Nakuha noong 8 Disyembre 2017.
  5. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 September 2021. Nakuha noong 27 Marso 2018.
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang MetroManilaCensus); $2
  7. "Demographia World Urban Areas & Population Projections" (PDF). 2010. Nakuha noong 29 Marso 2010.
  8. "Official population count reveals..." Philippine National Statistics Office. 16-04-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-02. Nakuha noong 29-30-10. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate=, |date=, at |year= / |date= mismatch (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne