Sa legal o makabatas na kahulugan, ang mga kalayaang sibil, kilala rin bilang mga kalayaang pangmamamayan, mga kalayaan ng mga mamamayan, mga kalayaan pangsibilyano at mga kalayaan ng sibilyan, ay ang payak na kalayaan ng isang tao, katulad ng kalayaan sa pagsasalita at pagtitipun-tipon, at ang proteksiyon ng mga karapatang ito laban sa pakikialam ng pamahalaan. Kasama sa iba pang pangkaraniwang mga kalayaang sibil ang karapatan ng mga tao, kalayaan sa relihiyon, karapatan sa nakalaang proseso, karapatan sa patas na paglilitis, karapatan na magkaroon ng pag-aari, at karapatan sa pribasidad. Kasama ng mga karapatang sibil, o ang mga garantiya sa pamamagitan ng batas ng patas na pagtrato at pagkakataong patas para sa lahat ng mga tao, isa ang mga kalayaang sibil sa mga kalayaan, mga proteksiyon, at benepiso na ginagarantiyahan para sa mga tao sa pamamagitan ng batas at ng tradisyon o kaugalian.[1]