Kalye Heneral Luis General Luis Street | ||||
---|---|---|---|---|
Daang Polo–Novaliches (Polo–Novaliches Road) | ||||
![]() Kalye Heneral Luis sa Novaliches Proper, Lungsod Quezon | ||||
Impormasyon sa ruta | ||||
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan | ||||
Bahagi ng | ||||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa kanluran | Daang ITC sa Bagbaguin, Valenzuela | |||
Kalye P. Jacinto Kalye P. Dela Cruz Daang Diamond Karugtong ng Abenida Katipunan Daang Damong Maliit Daang Pasacola | ||||
Dulo sa silangan | ![]() | |||
Lokasyon | ||||
Mga pangunahing lungsod | Valenzuela, Hilagang Caloocan, Lungsod Quezon | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang Kalye Heneral Luis (General Luis Street) ay isang pangunahing lansangang pandalawahan hanggang pang-apatan na dumaraang silangan-pakanluran sa mga lungsod ng Valenzuela, Hilagang Caloocan at Lungsod Quezon.
Dating tinawag na Daang Polo–Novaliches ang daang nag-uugnay ng mga pook ng Novaliches (ngayon ay bahagi ng Lungsod Quezon) at Polo (ngayon ay Valenzuela). Binago ang pangalan mula kay Heneral Luis Malinis, isa sa mga pinagkakatiwalaang manghihimagsik niAndrés Bonifacio at namatay noong Nobyembre 1896 sa kasagsagan ng Labanan sa Novaliches.[1]
Karaniwang inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko kapag dumaraan sa daang ito dahil sa pagkukumpol ng mga traysikel, dyipni, establisimiyentong pangkalakalan, bodega, at pabrika sa kahabaan o sa paligid nito, bagamat may mga maraming panukala upang maibsan ang paninikip ng trapiko tulad ng pagtanggal ng mga sagabal, pagpapalawak at pagpapaganda ng daan, at pagpapatayo ng nga karagdagang daan tulad ng Karugtong ng Abenida Mindanao.[2]