Kalye Mendiola Mendiola Street | |
---|---|
Isang anggulo ng Kalye Mendiola. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 0.5 km (0.3 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() ![]() |
Dulo sa timog | Kalye Jose Laurel sa San Miguel |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Mendiola (Ingles: Mendiola Street) ay isang maiksing lansangan sa San Miguel, Maynila, Pilipinas. Pinangalanan ito kay Enrique Mendiola, isang edukador, may-akda ng mga aklat-pampaaralan, at kasapi ng unang Lupon ng mga Rehente ng Unibersidad ng Pilipinas. Bilang isang lansangang malapit sa Palasyo ng Malakanyang, ang tirahang opisyal ng Pangulo ng Pilipinas, ito ay naging lugar ng mga maraming demonstrasyon (na kung minsan, madugo).
Sa hilagang dulo ng kalye ay ang Tulay ng Chino Roces (Ingles: Chino Roces Bridge), na hinango ang pangalan kay Chino Roces, isang mamamahayag at kilalang personalidad noong mga taon ng Batas Militar na nagtatag ng Manila Times at ABC (ngayon ay TV5). (Subalit may isang pinapailaw na karatulang pangkalye sa itaas ng sangandaan ng kalye sa Abenida Recto na nag-babanggit nang mali sa kalye bilang "Chino Roces Avenue").
Nagsisimula ang kalye sa sangandaan nito sa Kalye Legarda at Abenida Recto, at nagtatapos ito sa Kalye Jose Laurel sa may labas ng Palasyo ng Malakanyang. Apat sa mga kolehiyo at pamantasan ng University Belt ay matatagpuan sa Kalye Mendiola. Ang kabuuang haba ng lansangan ay 0.5 kilometro (0.3 milya).
Upang maprotektahan ang palasyo, ang bahagi ng kalye na nagsisimula sa tarangkahang sentinel sa harap ng College of the Holy Spirit at Kolehiyo ng La Consolacion Maynila ay isinara sa mga sasakyan. Ang mga sasakyan naman ay inililihis sa Kalye Concepcion Aguila, isang makipot na kalye na dumadaan sa mga pook-residensyal ng distrito ng San Miguel.