Ang Kalye Carriedo (Ingles: Carriedo Street) ay isang kalye sa Quiapo, Maynila, Pilipinas. Hango ang pangalan nito kay Francisco Carriedo y Pedero (1690–1743), isang Kastilang pilantropo na nagtatag ng Carriedo Waterworks (ngayon ay Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS).[1] Kabilang sa mga kilalang lugar na matatagpuan rito ay ang Simbahan ng Quiapo at Estasyong Carriedo ng Linyang LRT-1.