Kalye Del Pilar Del Pilar Street | |
---|---|
Calle Real | |
![]() Kalye Del Pilar sa timog ng Plasa Nuestra Señora de Guía malapit sa Simbahan ng Ermita. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 2.0 km (1.2 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
Dulo sa timog | ![]() |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Marcelo H. del Pilar (Ingles: Marcelo H. del Pilar Street), o kilala rin bilang Kalye Del Pilar (Del Pilar Street), ay isang daan sa lungsod ng Maynila na dumadaan mula hilaga patimog at nag-uugnay ng mga distrito ng Ermita at Malate. Isa itong kalyeng dalawa ang mga linya at haba na 2 kilometro (o 1.2 milya), at dinadala ito ang walang salubong na trapiko patimog mula Abenida Kalaw sa may Liwasang Rizal sa hilaga hanggang Abenida Quirino sa tapat ng Ospital ng Maynila sa timog. Binabagtas nito ang Abenida ng United Nations, Kalye Padre Faura, Kalye Pedro Gil, at Kalye Remedios.