Kalye Victorino Mapa Victorino Mapa Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.6 km (1.0 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
Dulo sa timog | Kalye Pat Antonio |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Kalye Victorino Mapa (Ingles: Victorino Mapa Street, na kilala rin sa maikling pangalan na Kalye V. Mapa, ay ang pangunahing daang mula hilaga pa-timog ng distrito ng Santa Mesa sa Maynila, ang kabesera ng Pilipinas. Ang kalye, kung isasama ang ekstensyon nito sa silangan, ay may kalakip na haba na 1.6 kilometro (1 milya) mula sa panulukan nito sa Bulebar Magsaysay sa hilaga hanggang sa Kalye Pat Antonio sa timog-silangan sa tabi ng Ilog San Juan na nagsisilbing hangganan sa pagitan ng distrito at San Juan/Mandaluyong. Isang bahagi ng kalye, mula Bulebar Magsaysay hanggang Kalye Padre Sanchez, ay bumubuo sa bahagi ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5) ng sistema ng pinagsamang daang arteryal ng Maynila.