Kanser | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
![]() | |
ICD-10 | C00.{{{3}}}—C97.{{{3}}} |
ICD-9 | 140—239 |
DiseasesDB | 28843 |
MedlinePlus | 001289 |
MeSH | D009369 |
Ang Kanser (Ingles: Cancer) na kilala sa palagamutan bilang malignanteng neoplasma ay isang malawak na pangkat ng iba't ibang mga sakit na lahat ay sumasangkot sa hindi na-regulang paglago ng sihay. Sa kanser, ang mga sihay ay naghahati at lumalago ng walang kontrol. Ang kanser ay maaari ring kumalat na tinatawag na metastasis sa mas malayong mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng sistemang limpatiko o daloy ng dugo. Hindi lahat ng mga pamamaga ay kanseroso. Ang mga pamamaga na benign ay hindi lumalago nang walang kontrol, hindi sumasalakay sa ibang mga kapitbahay na himaymay at hindi kumakalat sa buong katawan. Mayroon mga 200 iba ibang alam na mga kanser na dumadapo sa mga tao.[1] Bukod sa tao, ang kanser ay isa ring pangunahing sakit ng mga alagang hayop(pets) kabilang ang mga aso at pusa. Sa isang pag-aaral, 45% ng mga asong umabot sa 10 taong gulang o mas matanda rito ay namatay sa kanser.[2]
Ang pagtukoy ng sanhi ng kanser ay kumplikado. Maraming mga bagay ay alam na nagpapadagdag ng panganib ng kanser kabilang ang paggamit o panglanghap ng tabako, ilang mga hawa, kawalan ng gawaing pisikal, katabaan at mga nagsasanhi ng polusyon sa kapaligiran.[3] Ang mga ito ay direktang puminsala sa mga kamana o sumama sa mga umiiral na pagkakamaling namamana sa loob ng mga sihay upang magsanhi ng sakit.[4] Ang tinatayang 5 hanggang 10 porsiyento ng mga kanser ay buong namamana(henetiko).
Ang kanser ay madedetekta sa bilang ng mga paraan kabilang ang presensiya ng ilang mga tanda at sintomas, pag-iiskreen ng kanser, o pag-iimaheng medikal. Kapag ang isang posibleng kanser ay nadetekta, ito ay dinidiagnose sa pamamagitan ng histolohiya ng isang sampol ng tisyu. Ang kanser ay karaniwang ginagamot ng kemoterapiya, terapiyang radiasyon at siruhiya. Ang mga tsansa ng pagpapatuloy na mabuhay ng taong may kanser ay malaking iba iba sa uri at lokasyon ng kanser at sa sakop ng sakit sa simula ng paggamot. Bagaman ang kanser ay maaaring umapekto sa mga tao sa lahat ng mga edad, at ang ilang mga uri ng kanser ay mas karaniwan sa mga bata, ang panganib ng pag-unlad ng kanser ay pangkalahatang tumatataas sa edad. Noong 2007, ang kanser ay nagnsahi ng 13% ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa buong mundo (7.9 milyon). Ang mga rate ay tumataas habang mas maraming mga tao ay nabubuhay sa matandang edad at habang ang ang mga pagbabago sa mga pamumuhay ay nangyayari sa umuunlad na daigdig.[5]
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
{{cite book}}
: External link in |chapterurl=
(tulong); Unknown parameter |chapterurl=
ignored (|chapter-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Epi11
); $2