Kaohsiung 高雄市 | |||
---|---|---|---|
Lungsod ng Kaohsiung | |||
| |||
Pinagmulan ng pangalan: Prepektura ng Takao | |||
Palayaw: The Harbor City (Gangdu), The Maritime Capital, The Waterfront City | |||
Kinaroroonan ng Lungsod ng Kaohsiung sa Taiwan | |||
Mga koordinado: 22°38′N 120°16′E / 22.633°N 120.267°E | |||
Bansa | ROC | ||
Rehiyon | Katimugang Taiwan | ||
Kabisera | Distrito ng Lingya at Distrito ng Fongshan | ||
Mga distrito | |||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Han Kuo-yu | ||
• Mga bise alkalde | Lee Shu-chuan, Yeh Kuang-shih | ||
Lawak | |||
• Natatanging munisipalidad | 2,951.85 km2 (1,139.72 milya kuwadrado) | ||
• Urban | 363 km2 (140 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | 4 sa 22 | ||
Taas | 9 m (30 tal) | ||
Populasyon (2018)[3] | |||
• Natatanging munisipalidad | 2,773,093 | ||
• Ranggo | 3 sa 22 | ||
• Kapal | 940/km2 (2,400/milya kuwadrado) | ||
• Urban | 2,555,000 | ||
• Densidad sa urban | 7,000/km2 (18,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+8 (Pambansang Pamantayang Oras) | ||
Kodigong postal | 800–852 | ||
Kodigo ng lugar | (0)7 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TW–KHH | ||
Bulaklak | Tsinong hibiscus (Hibiscus rosa-sinensis) | ||
Puno | Puno ng bulak (Bombax ceiba) | ||
Websayt | www.kcg.gov.tw/EN (sa Ingles) |
Lungsod ng Kaohsiung | |||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||||||||||||
Tsino | 高雄市 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Transkripsiyong Hapones ng isang lumang pangalang Siraya | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||
Pangalang Hapones | |||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kanji | 高雄市 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kana | たかおし | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Kaohsiung ( /ˌkaʊˈʃʌŋ/; Tsinong Mandarin: [kɑ́ʊ̯ɕʊ̌ŋ] ( pakinggan), Wade–Giles: Kao¹-hsiung²; Hokkien POJ: Ko-hiông; Hakka PFS: Kô-hiùng; mga dating pangalan: Takao, Takow, Takau) ay isang pambaybaying-dagat na lungsod sa katimugang Taiwan. Opisyal na natatanging munisipalidad ito na may lawak na 2,952 km2 (1,140 mi kuw) at umaabot mula sa pambaybaying-dagat na sentrong urbano hanggang sa rural na Bulubundukin ng Yushan. Magmula noong 2018, mayroon itong populasyon na 2.77 milyong katao, at ito ang pangatlong pinakamataong dibisyong pampangasiwaan at pangalawang pinakamalaking metropolis sa Taiwan.[4]
Mula nang itinatag ito noong ika-17 dantaon, lumago ang Kaohsiung mula sa isang maliit na nayong nangangalakal sa isang sentrong pampolitika at ekonomiko ng katimugang Taiwan, na may pangunahing mga industriya tulad ng pagmamanupaktura, paggawa ng asero, pagdadalisay ng langis, pagbibiyahe ng kargada at paggawa ng barko. Iniuuri ito ng GaWC bilang 'High Sufficiency'na may ilan sa pinakatanyag na mga impraestruktura sa Taiwan. Ang Pantalan ng Kaohsiung ay ang pinakamalaki at pinaka-abalang daungan sa Taiwan habang ang Paliparang Pandaigdig ng Kaohsiung ay ang ikalawang pinaka-abalang paliparan ayon sa bilang ng mga pasahero. Nakadugtong ang lungsod sa ibang mga pangunahing lungsod sa pamamagitan ng pangmatulin at pangkaraniwang riles, gayon din ang ilang pambansang mga mabilisang daanan. Tahanan din ito ng punong himpilan ng plota ng Hukbong Dagat ng Republika ng Tsina at ng akademyang pandagat nito. Ang maraming mga gawang pampubliko tulad ng Pier-2 Art Center, National Kaohsiung Center for the Arts at Kaohsiung Music Center ay nilayon sa lumalagong mga industriya ng turismo at kultura ng lungsod.