Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas | |
---|---|
Uri | |
Uri | |
Pinuno | |
Mga Kinatawan ng Ispiker |
|
Pinuno ng Mayorya | |
Pinuno ng Minorya | Marcelino Libanan (Abang Lingkod) Simula Ika-19 ng Oktubre, 2020 |
Estruktura | |
Mga puwesto | 306 na kinatawan 245 sa mga heograpikong distrito 61 na kinatawan ng mga party-list |
Mga grupong pampolitika | |
Halalan | |
Huling halalan | Mayo 13, 2019 |
Lugar ng pagpupulong | |
Hugnayan ng Batasang Pambansa, Lungsod Quezon | |
Websayt | |
http://www.congress.gov.ph |
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (Ingles: House of Representatives of the Philippines) ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas. Di-pormal itong tinatawag na Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na mga kinatawan o mga kongresista habang Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang hanggang tatlong ulit sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.
Ang hugnayan ng Batasang Pambansa (o simpleng Batasan), na matatagpuan sa Batasan Hills sa Lungsod Quezon, ang opisyal na himpilan ng Kapulungan ng mga Kinatawan.