Kapulungan sa Tejeros

Ang Kapulungan sa Tejeros o Kumbensiyon sa Tejeros ay ang pagpupulong ng dalawang paksiyong manghihimagsik ng Himagsikang Pilipino na ginanap sa Casa Hacienda ng Tejeros sa bayan ng San Francisco de Malabon (ngayo'y General Trias), Cavite noong 22 Marso 1897. Ang naturang paksiyon ng Katipunan na nagpulong dito ay ang Magdiwang na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Emilio Aguinaldo.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne