Ang Karatula ng Hollywood (Ingles: Hollywood Sign), dating tinawag na Karatula ng Hollywoodland (Ingles: Hollywoodland Sign) ay isang kilalang pook-palatandaan o landmark na matatagpuan sa Los Angeles, California. Malapit ito sa Bundok Lee, sa Hollywood Hills ng Bulubundukin ng Santa Monica. Nakatanaw ang karatula sa Hollywood, Los Angeles.
Ibinaybay ang "HOLLYWOOD" sa 13.7 metro (o 45 talampakan)[1] mga puti at malaking titik at may haba ito na 106.7 metro (350 talampakan). Unang itinayo ito noong 1923 bilang isang patalastas para sa "Hollywoodland", isang lokal na usbong ng pag-aaring real (real estate development). Unang nilayon na magtagal ito nang isang taon at kalahati,[2] ngunit kasunod ng pagsikat ng sineng Amerikano sa Los Angeles noong Ginintuang Panahon ng Hollywood, naging kinikilalang pandaigdigang sagisag ang karatula at pinaiwang nakatayo roon.[3]
Dating madalas na puntirya ng mga pranka at bandalismo ang karatula, ngunit naisailalim na ito sa pagpapanumbalik, kasama na ang paglalagay ng isang sistemang seguridad upang mahinaan ang loob ng mga bandalo. Pinangangalagaan ito ng The Trust For Public Land, isang samahang hindi kumikinabang. Ang kinatatayuan ng karatula naman ay bahagi ng Liwasang Griffith.