Ang karunungan o dunong, sa larangan ng pananampalataya, ay ang pagkaunawang nanggaling sa diyos.[1] Isa itong marunong o matalinong pag-iisip o kaisipan[1]; o ang pang-unawa sa tama at mali, at pagkakaroon ng matinong pag-iisip o pinag-aralan. May kaugnayan ito sa sentido kumon, talino, erudisyon, at tining ng pag-iisip.[2]