Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao. Magkakaiba ang anyo ng pagdiriwang at tradisyon sa bawat lugar sa mundo, at kadalasang ayon sa kultura, pangkat etniko, pananampalataya, paniniwala, lahi, at bansa ng mga ikinakasal.[1]