Ang kasarinlan ay isang katayuan o kalagayan ng isang tao, bansa, bayan, o estado kung saan ang mga naninirahan at mamamayan, o ilang bahagi nito, ay nagpapamalas ng pamamahala sa sarili, at kapangyarihan sa nasasakupang teritoryo nito. Ang kabaligtaran ng kasarinlan ay ang katayuan ng isang teritoryong dumedepende. Ang paggunita sa araw ng kalayaan o kasarinlan ng isang bansa o bayan ay pagdiriwang kapag ang isang bansa ay malaya sa lahat ng anyo ng padayuhang pananakop o kolonyalismo; malayang magtatag ang isang bansa o bayan nang walang panghihimasok ng ibang mga bansa.[1]