Kasaysayan ng paggawa

Ang kasaysayan ng paggawa o kasaysayang pangmanggagawa (Ingles: labor history, labour history) ay isang malawak na larangan ng pag-aaral na nakatuon sa kilusang pangmanggagawa at ng uring manggagawa. Ang pangunahing mga pagtutuon ng mga manunulat ng kasaysayan ng paggawa o pagtatrabaho ay kinabibilangan ng pag-unlad ng mga unyong manggagawa, mga pagwewelga, mga lockout (pansamantalang pagpapahinto ng gawain sa trabaho), at mga kilusang pamprutesta, relasyong pang-industriya, at ang progreso ng uring manggagawa at mga partidong pampolitika ng mga sosyalista, pati na pag-unlad na panlipuna at pangkultura ng mga taong naghahanapbuhay. Ang mga manunulat ng kasaysayan ng paggawa ay maaaring tumuon din sa mga paksa ng kasarian, lahi o lipi, etnisidad, at iba pang mga bagay na bukod pa sa uri.


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne