Ang Katedral ng Massa Marittima (Italyano: Duomo di Massa Marittima; Ang Cattedrale di San Cerbone) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Massa Marittima, Tuscany, Italya, na alay kay San Cerbonio. Dating luklukang episkopal ng Diocese ng Massa Marittima, ngayon ay luklukan na ng Diyosesis ng Massa Marittima-Piombino.