Ang Katedral ng Messina (Italyano: Duomo di Messina; Basilica Cattedrale metropolitana di Santa Maria Assunta) ay isang Katoliko Romanong katedral na matatagpuan sa Messina, Sicilia. Dating luklukang episkopal ng Diyosesis ng Messina, naging luklukang arkiepiskopal ito ng Arkidiyosesis ng Messina-Lipari-Santa Lucia del Mela.
Ginawaran ito ng katayuang basilika menor ni Papa Pio XII noong Hunyo 1947.
Ang kasalukuyang gusali ay ang kaganapan ng mga rekonstruksiyon ng ika-20 siglo matapos ng masalimuot na lindol na tumama sa Messina noong 1908 at ang malulubhang pagkawasak dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Nilalaman ng kampana ang astronomikong orasan ng Messina, ang pinakamalaking astronomikong orasan sa buong mundo.