Ang Katedral ng Ravenna (Italyano: Cattedrale metropolitana della Risurrezione di Nostro Signore Gesù Cristo; Duomo di Ravenna) ay isang Katoliko Romanong katedral na alay sa Muling Pagkabuhay ni Hesukristo sa lungsod ng Ravenna, Italya. Dating arsoepiskopal na luklukan ng Arkidiyosesis ng Ravenna, ngayon ay ang luklukan ng mga arsobispo ng Ravenna-Cervia.[1] Ginawaran ito ng katayuan bilang basilika menor ni Papa Juan XXIII noong 7 Oktubre 1960.[2] Ito rin ang luklukan ng parokya ng San Giovanni sa Fonte na kabilang sa Urbanong Vicariato ng arkidiyosesis ng Ravenna-Cervia.[3]
Ang kasalukuyang ika-18 siglong gusaling Baroque ay itinayo matapos ng demolisyon ng sinaunang katedral, ang maagang ika-5 siglong Basilica Ursiana. [4]
Sa tuktok ng kampanaryo mayroong apat na kampanilya sa kuwerdas na D minor.