Kawal

Isang sundalong Pilipino ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.
Mga sundalong Pilipino ng Nagkakaisang mga Bansa na nasa Silangang Timor noong 2007.

Ang kawal, sundalo, o suldado[1] (Ingles: soldier, Kastila: soldado) ay tumutukoy sa isang kasapi o miyembro ng panglupang kumponente o bahagi ng pambansang sandatahang lakas o puwersa. Ngunit tinatawag na mersenaryo (Ingles: mercenary) ang isang kawal na hinirang at binabayaran para sa paglilingkod sa loob ng isang dayuhang hukbong pangkatihan.[2] Sa karamihan ng mga wika, kabilang sa mga kawal ang komisyonado at hindi komisyonadong mga opisyal na nasa loob ng pambansang puwersang panglupa.

  1. Gaboy, Luciano L. Soldier - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "mercenary[patay na link]." The American Heritage Dictionary of the English Language, Ika-4 na edisyon, Houghton Mifflin Company, 2004, 16 Mayo 2009, Dictionary.com.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne