![]() | |
Ibang tawag | Sarsa ng saging |
---|---|
Uri | Kondimento |
Lugar | Pilipinas |
Kaugnay na lutuin | Pilipinas |
Gumawa | Maria Orosa |
Pangunahing Sangkap | Saging |
|
Ang ketsap na saging, kilala rin bilang sarsa ng saging, ay isang Pilipinong ketsap na gawa sa saging, asukal, suka, at espesya. Makayumangging-dilaw ang likas na kulay nito ngunit madalas itong kinukulayan ng pula upang magkahawig sa ketsap na kamatis. Unang iprinodyus ang ketsap na saging sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa kakulangan ng mga kamatis habang nasa digmaan, at kung ihahambing, mas mataas ang produksiyon ng mga saging noon.[1][2]