Ketuanan Melayu

Ang Hepeng Pangkabataan ng United Malays National Organisation (UMNO) na si Hishammuddin Hussein ay nagwawagayway ng isang keris sa tanggulan ng ketuanan Melayu.

Ang Ketuanan Melayu (Malay para sa paghahari ng mga Malay o pananaig ng mga Malay[1]) ay ang sektaryong paniniwala na ang mga Malay, na ayon sa Saligang Batas ng Malaysia ay tumutukoy lamang sa mga mamamayang Muslim ng Malaysia at Singgapur, ay ang mga "tuan" (panginoon) ng Malaysia. Ang mga Han at Bumbay na bumubuo ng isang mahalagang minorya sa Malaysia, ay tinitiyak na sila ay may utang na loob sa mga "Malay" dahil sa pagkakaloob nila ng pagkamamamayan na ipinalitan para sa mga espesyal na pribilehiyo na nakasaad sa Artikulo 153 ng Saligang Batas ng Malaysia. Itong quid pro quo na pagkakaayos ay karaniwang binabanggit bilang panlipunang kontrata ng mga taga-Malaysia. Ang konsepto ng ketuanan Melayu ay karaniwang sinasanggunian ng mga politiko, bukod-tangi ang mga mula sa United Malays National Organisation (UMNO), ang partido na may pinakamaraming impluwensiya sa Malaysia.

Bagaman ang ideya sa sarili ay bumuo bago ng kalayaan ng Malaysia, ang pariralang ketuanan Melayu ay hindi nauso hanggang mga maagang dekadang 2000. Ang pinakapantinig na oposisyon patungo sa konsepto ay nagmula sa mga partidong hindi nakabase sa mga Malay, tulad ng Democratic Action Party (DAP); pero bago ng kalayaan, ang mga Straits Chinese ay nag-protesta rin laban sa ito. Ang ideya ng paghahari ng mga Malay ay nakakuha ng atensiyon sa dekadang 1940, noong mga Malay ay nag-organisa upang maiprotesta ang pagkatatag ng Unyong Malay, at mamayang lumaban para sa kalayaan. Noong mga dekadang 1960, nagkaroon ng isang mahalagang pagpupunyagi laban sa ketuanan Melayu na pinamunuan ng People's Action Party (PAP) ng Singgapur — na noon ay isang estado ng Malaysia mula 1963 hanggang 1965 — at ng DAP pagkatapos ng pagbibitiw ng Singgapur. Pero, ang mga bahagi ng Saligang Batas tungkol sa ketuanan Melayu ay "pinamalagi" pagkatapos ng kaguluhang panlahi ng 13 Mayo 1969, na nangyari pagkatapos ng isang kampanyang pang-halalan na naka-pokus sa isyu ng mga karapatan ng mga di-Malay at ng ketuanan Melayu. Ang panahong niyon ay nakakita rin ng pagbabangon ng mga "ultra" na nag-suporta ng isang pamahalaang nag-iisang-partido na pinamunuan ng UMNO, at ng isang mas malaking pagdiriin sa mga Malay bilang mga "taong nagbibigay-katuturan" ng Malaysia — ibig sabihin, ang isang "Malay," i.e. Muslim, lamang ay maaaring maging isang totoong taga-Malaysia.

Ang kaguluhan ay nag-sanhi ng isang mayor na pagpapalit sa paraan ng pamahalaan tungkol sa mga panlahing isyu, at nagpadala ng panimula sa isang agresibong patakaran ng positibong diskriminasyon na masigasig sa pagbibigay-pabor sa mga Muslim, ang Bagong Ekonomikong Patakaran (Ingles: New Economic Policy, NEP). Ang Pambansang Patakarang Kultural (Ingles: National Cultural Policy), na sinimula rin noong 1970, ay nagbibigay-diin sa isang pagkakasama ng mga di-Muslim sa mga Muslim. Pero, noong mga dekadang 1990, tinanggihan ni Punong Ministro Mahathir bin Mohamad ang paraang nito, at diniin niya ang patakarang Bangsa Malaysia (Bansang Malasyo) na nagbibigay-diin sa isang identidad na taga-Malaysia sa halip ng isang identidad na Muslim para sa estado. Noong mga dekadang 2000, nagsimula muli ang mga politiko na mag-diin ng ketuanan Melayu, at sila ay nagmura sa publiko ng mga ministrong pampamahalaan na nagtutol ng panlipunang kontrata.

  1. Liu, Ronnie Tian Khiew (10 Disyembre 2004). "UMNO should stop claiming Ketuanan Melayu" Naka-arkibo 2005-09-29 sa Wayback Machine.. Malaysia Today.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne