Kim Atienza | |
---|---|
Kapanganakan | Alejandro Ilagan Atienza 24 Enero 1967[1][2][Note 1] |
Ibang pangalan | Kuya Kim |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas |
Trabaho | Tagapag-ulat ng lagay ng panahon, artista, tagapag-ulat |
Aktibong taon | 1987-kasalukuyan |
Asawa | Felicia Hung |
Anak | Jose III Hung Atienza Eliana Hung Atienza Emmanuelle Hung Atienza |
Si Alejandro Ilagan "Kim" Atienza (ipinanganak Enero 24, 1967),[1][2][Tanda 1] mas kilala bilang Kuya Kim, ay isang host sa telebisyon, artista at dating politiko. Siya ang kasalukuyang nagbabalita ng lagay ng panahon sa "Weather-Weather Lang" na isang bahagi ng TV Patrol ng ABS-CBN. Pagkatapos na maging politiko sa loob ng labing-dalawang taon, naglingkod si Atienza bilang konsehal ng ika-5 distrito ng Maynila ng tatlong termino.[3][4]
Tatay ni Atienza si Lito Atienza at kapatid naman si Ali Atienza na parehong politiko.[5]