Dakilang Mariskal ng Republika Walang Hanggang Pinuno ng Juche Korea Kim Il-sung | |
---|---|
김일성 | |
![]() Litratong opisyal ni Kim habang nakasuot ng ternong Mao, circa dekada 1960. | |
![]() Ika-1 Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea | |
Nasa puwesto (Komite Sentral) 12 Oktubre 1966 – 8 Hulyo 1994 | |
Kalihim | Choe Yong-gon Kim Il Pak Kum-chol Ri Hyo-son Kim Kwang-hyop Sok San Ho Pong-hak Kim Yong-ju Pak Yong-guk Kim To-man Ri Kuk-jin Kim Jung-rin Yang Hyong-sop O Jin-u Kim Tong-gyu Han Ik-su Hyon Mu-gwang Kim Jong-il Hwang Jang-yop Kim Yong-nam Kim Hwan Yon Hyong-muk Yun Ki-bok Hong Si-hak |
Sinundan ni | Kim Jong-il |
![]() ![]() Pangulo ng Hilagang Korea | |
Nasa puwesto 28 Disyembre 1972 – 8 Hulyo 1994 | |
Premiyer | Kim Il Pak Song-chol Ri Jong-ok Kang Song-san Ri Kun-mo Yon Hyong-muk Kang Song-san |
Pangalawang Pangulo | Choe Yong-gon Kang Ryang-uk Kim Tong-kyu Kim Il Pak Song-chol Rim Chun-chu Ri Jong-ok Kim Pyong-sik |
![]() Ika-1 Premiyer ng Hilagang Korea | |
Nasa puwesto (Gabinete) 9 Setyembre 1948 – 28 Disyembre 1972 | |
Unang Pangalawang Premiyer | Kim Il |
Pangalawang Premiyer | Pak Hon-yong Hong Myong-hui Kim Chaek Kim Il Jong Il-ryong Nam Il Pak Ui-wan Jong Jun-thaek Kim Kwang-hyop Kim Chang-man Ri Jong-ok Ri Ju-yon Pak Song-chol Choe Yong-jin |
Sinundan ni | Kim Il (Konseho ng Pangasiwaan) |
Personal na detalye | |
Isinilang | Kim Song-ju (김성주) 15 Abril 1912 Heijō, Heian'nan-dō, Chōsen |
Yumao | 8 Hulyo 1994 Kondado ng Hyangsan, Lalawigan ng Hilagang Pyongan, Hilagang Korea | (edad 82)
Himlayan | Palasyong Araw ng Kumsusan, Pyongyang |
Partidong pampolitika | ![]() |
Ibang ugnayang pampolitika | ![]() ![]() |
Asawa | Kim Jong-suk (1941-1949) Kim Song-ae (1952-1994) |
Anak | Kim Jong-il Kim Man-il Kim Kyong-hui Kim Kyong-jin Kim Pyong-il Kim Yong-il |
Magulang | Kim Hyong-jik (ama) Kang Pan-sok (ina) |
Alma mater | Akademyang Militar ng Whasung Mataas na Paaralan ng Jilin Yuwen |
Pirma | ![]() |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan |
|
Sangay/Serbisyo | ![]() ![]() ![]() |
Taon sa lingkod |
|
Ranggo | ![]() Taewŏnsu (대원수) Dakilang Mariskal |
Yunit | Ika-88 Seperadong Brigadang Riple (Hukbong Pula) |
Atasan | Kataas-taasang Komandante |
Labanan/Digmaan | Digmaang Koreano Ikalawang Digmaang Pandaigdig |
|
Si Kim Il-sung (Abril 15, 1912 – Hulyo 8, 1994), ipinanganak na Kim Song-ju, ay isang Koreanong manghihimagsik at politiko na nagtatag ng Hilagang Korea at naging unang kataas-taasang pinuno nito. Namahala siya mula sa pagkalikha ng bansa noong 1948 hanggang sa kanyang pagkamatay nang 1994, kung kailan hinalinhan siya ng kanyang panganay na anak na si Kim Jong-il. Naglingkod siya bilang unang premiyer at tanging pangulo ng Hilagang Korea, Tagapangulo at Pangkalahatang Kalihim ng Partido Manggagawa ng Korea, at Kataas-taasang Komandante ng Hukbong Bayan ng Korea. Inilahad niya ang pilosopiyang Juche, ang ideolohiyang pang-estado ng Hilagang Korea na nakabatay sa sosyalismo, pag-aasa sa sarili, at nasyonalismong Koreano.
Isinilang sa isang aktibistang pamilya sa panahon ng paglupig sa Korea, naging gerilyang anti-Hapones si Kim sa kanyang pagkabata. Naimpluwensyahan siya ng mga makakaliwang ideolohiya at sumali sa mga organisasyong radikal tulad ng Partido Komunista ng Tsina. Matapos mahati ang tangway ay naglingkod siya bilang pinuno ng pamahalaang probisyonal sa sonang Sobyetiko at nangasiwa sa pagkatatag ng kasalukuyang estado ng Hilagang Korea. Pinasimuno niya ang pagsalakay sa Timog Korea noong 1950 na humantong ng Digmaang Koreano, na tumigil noong 1953 sa pagkapatas. Kasunod ng labanan ay muling itinayo ni Kim ang bansa sa ilalim ng sentralisadong ekonomiyang planado. Nagtamasa ang Hilagang Korea ng mas mataas na antas ng pamumuhay noong dekada 1960 at 1970 kaysa sa Timog, na noo'y dumaranas ng krisis sa politika at ekonomiya. Nagbago-bago ang mga relasyon niya sa Unyong Sobyetiko at Tsina, partikular nang pinagsikapan niyang ilagay ang Juche sa praktika sa pamamagitan ng mga polisiyang isolasyonista at pagiging malaya sa mga larangan ng politika, ekonomiya, at militar. Gayunpaman, labis pa rin na umasa ang Hilagang Korea ng mga subsidyo at pinansiyal na tulong mula sa URSS at Silangang Bloke, at lubos na naapektuhan ang ekonomiya ng bansa nang nabuwag ang mga ito. Nagdulot ito sa malawakang taggutom noong 1994, na naging sanhi sa pagkamatay ng tinatayang 240 libo hanggang 3.5 milyong mamamayan. Sa panahong ito ay nanatiling kritikal ang Hilagang Korea sa itinuturing nitong imperyalistang presensya ng mga pwersang pandepensa ng Estados Unidos sa katimugan. Inagaw ng bansa ang barkong USS Pueblo noong 1968, na bahagi ng kampanyang impiltrasyon at subersyon para ipag-isa ang Korea sa ilalim ng pamamahala ng hilagang estado. Nasa tanggapan ng halos 46 na taon, siya ang ikatlong pinakamatagal na di-makaharing punong pampamahalaan sa ika-20 dantaon. Nalampasan ni Kim sa buhay ang kanyang mga kaalyadong sina Iosif Stalin ng apat na dekada at Mao Zedong ng halos dalawang dekada, at nanatili sa kapangyarihan sa panahon ng panunungkulan ng anim na pangulo ng Timog Korea at sampu sa Estados Unidos.
Itinuturing na totalitaryong diktador, patuloy na nangingibabaw ang kulto ng personalidad ni Kim sa Hilagang Korea, at sinasabing mas matindi kina Stalin at Mao. Maihahalintulad ang paglalarawan sa kanya sa pigura ng Konfusyanong ama na karapat-dapat sa lubusang paggalang at pagmamahal ng sambayanan. Binigyan siya ng iba't-ibang titulong di-opisyal at papuri lamang, ngunit ang pinakamahalaga ay ang "Dakilang Pinuno", na naging kolokyal na katawagan upang tukuyin siya. Ang kalendaryong Juche na nagsisilbing sistema ng pagbibilang ng mga taon sa bansa ay nagsisimula sa 1912, ang taon ng kanyang kapanganakan. Ipinagdidiriwang ang kanyang kaarawan sa Abril 15 at kinikilala bilang "Araw ng Araw". Itinalaga siya ng saligang batas noong 1998 hanggang 2016 bilang "Walang Hanggang Pangulo ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea". Tinatayang halos 1.6 milyong tao ang namatay sa ilalim ng kanyang rehimen sa pamamagitan ng pagpapatay, pagpupurga, at paglagay sa mga kampo ng sapilitang paggawa. Inihanda niya ang kanyang anak na si Kim Jong-il na humalili sa kanya, na naganap noong pumanaw siya noong 1994. Dahil dito, siya ang kauna-unahang pinunong komunista na nagtatag ng pamamahalang dinastiko. Patuloy na naghahari ang dinastiyang kanyang itinatag sa Hilagang Korea, kung saan kasalukuyang pinangungunahan ng kanyang apo na si Kim Jong-un.