Ang klasismo ay isang pagkikiling o pagtatangi na batay sa kauriang panlipunan kabilang ang pansariling ugali, kilos, kaparaanan ng mga patakaran, at mga pagsasanay na ginawa upang makinabang ang mataas na uri sa kapinsalaan ng mababang uri o ang kabaligtaran nito.[1] Tinatawag din itong diskriminasyon ng klase o pagtatangi ng uri. Tumutukoy ang kauriang panlipunan sa mga pagpapangkat ng mga indibiduwal sa isang herarkiya batay sa yaman, kita, edukasyon, trabaho, at mga kasama sa lipunan.
Ipinapakita ng mga pag-aaral ang interkoneksyon sa pagitan ng diskriminasyon ng uri at rasismo at seksismo.[2]