Komisyon ng Karapatang Pantao

Commission on Human Rights
Komisyon ng Karapatang Pantao
Seal
Buod ng Ahensya
PagkabuoMayo 5, 1987
KapamahalaanPhilippines
Punong himpilanCommonwealth Avenue, Diliman, Quezon City, Philippines
Taunang badyet₱958,963,000 (2023)[1]
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
Websaytchr.gov.ph

Ang Komisyon sa Karapatang Pantao sa Pilipinas ay isang malayang komisyon na nilikha ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ay nilikha upang imbestigahan ang lahat ng mga anyo ng paglabag o pang-aabuso sa mga karapatang pantaong pampolitika at sibil ng Pilipinas. Ang komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at apat na kasapi. Si Jose W. Diokno, ang ama ng karapatang pantao ang nagsimula nito noong 1986. Ang unang pangalan ng komisyon ay ang Presidential Committee on Human Rights (Komite ng Pangulo sa Karapatang Pantao) hanggang nagbago ang pangalan noong 1987 pagkatapos sinabatas ang konstitusyon ng bansa.

Si Richard Paat Palpal-latoc ang kasalukuyang naglilingkod bilang Tagapangulo ng Komisyon, na humalili kay Leah Tanodra-Armamento, noong 2022.

  1. "Commission on Human Rights Budget" (PDF). Department of Budget and Management. December 28, 2022. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Enero 4, 2023. Nakuha noong January 4, 2023.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne