Kompuwestong pangkimika

Ang kompuwestong pangkimika (Ingles: chemical compound) ay isang sustansiyang pangkimika na binuo mula sa dalawa o higit pang elementong pangkimika, na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang-espasyo ng mga kawing pangkimika. Halimbawa, ang tubig (H2O) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng idroheno sa bawat isang atomo ng oksiheno. Sa pangkalahatan, ang tiyak na tagway na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ang mga materyal na gaya ng tanso, ang superkonduktor na YBCO, ang semikonduktor na arseniyurong galyong aluminiyo o tsokolate na mga halo o balahak at hindi kompuwesto.

Ang katangi-tanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng pormulang pangkimika. Inilalarawan ng pormula ang rasyo ng mga atomo sa isang sustansiya, at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansiya (kaya ang pormula ng etileno ay C2H4 hindi CH2). Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga molekula; halimbawa, ang klorurong sodyo (karaniwang asin, NaCl) ay isang kompuwesto ioniko.

Ang mga kompuwesto ay maaring magkaroon ng maraming yugto. Maraming mga kompuwesto ay solido. Ang mga kompuwestong molekula ay maari ring maging likido o gas. Ang lahat ng kompuwesto ay masisira upang maging mas maliit na kompuwesto o indibidwal na atomo kung papainitan sa isang tiyak na temperatura na tinatawag na temperatura ng dekomposisyon. Ang bawat kompuwesto ay binibigyan sa lathala ng isang natatanging bilang, ang kanyang bilang ng CAS.

Sa buong mundo, higit sa 350,000 kompuwestong pangkimika (kabilang ang mga halo ng kimikal) ang nairehistro para sa produksyon at para gamitin.[1]

  1. Wang, Zhanyun; Walker, Glen W.; Muir, Derek C. G.; Nagatani-Yoshida, Kakuko (2020-01-22). "Toward a Global Understanding of Chemical Pollution: A First Comprehensive Analysis of National and Regional Chemical Inventories". Environmental Science & Technology (sa wikang Ingles). 54 (5): 2575–2584. Bibcode:2020EnST...54.2575W. doi:10.1021/acs.est.9b06379. hdl:20.500.11850/405322. PMID 31968937.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne