Ang kordong espinal, kordong panggulugod o kuwerdas na panggulugod ay isang manipis na mala-tubong bungkos ng mga hibla o pibra ng nerbo na karugtong ng sentro ng sistemang nerbiyos mula sa utak, at nakalakip sa loob at pinagsasanggalang ng mabutong gulugod. Nasa loob ito ng haliging panggulugod kolumnang espinal (tinatawag ding butong panglikod o butong panglikuran). Pinakapangunahing tungkulin ng kurdong panggulugod ang pagpapadala (pagtatrasmiti) ng mga input o "ipinapasok" ng neuron sa pagitan ng kapaligiran (ang periperi) at ng utak.[1]