Ang Koreanovela (Koreano: 한국드라마; RR: hanguk drama), na mas kilala sa bansag na K-drama, ay tumutukoy sa mga teleserye (Koreano: 드라마; RR: deurama) na gumagamit ng wikang Koreano at nilikha sa Timog Korea.[1]
Naging bantog ang mga Koreanovela sa buong mundo, bahagyang dahil sa paglaganap ng kulturang Koreano (ang "Along Koreano"), at malawakang presensya sa pamamagitan ng mga serbisyo ng streaming na kadalasang may mga subtitulo sa mga iba't ibang wika. Marami na ang mga nahangong Koreanovela sa iba't ibang mga bansa at nagkaroon din ng mga epekto sa mga manonood nito.[2][3] Bilang halimbawa, naipalabas ang Jewel in the Palace (2003) sa 91 bansa. Nakatawag-pansin ang mga Koreanovela para sa kani-kanilang moda, istlo, at kultura sa buong mundo. Humantong ang lumalagong popularidad ng mga Koreanovela sa malaking pampasigla ng linya ng moda.