Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon sa Ombudsman’s Finance and Management Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang Philippine National Police (PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong 2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng pamahalaan noong 2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development (148 kaso), Department of Justice (98 kaso).[1] Noong 2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.[2]
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)