Kristal

Kristal na kuwarso.

Ang bubog o kristal, tinatawag ding mala-kristal na solido, namuong bubog, bubog na buo, kristalinang solido, o solidong kristalina, ay isang solidong materyal na nakaayos ang mga bumubuo dito (tulad ng mga atomo, molekula, o iono) sa isang napakaayos na mikroskopikong istraktura, na bumubuo ng isang kristal na sala-sala na umaabot sa lahat ng direksyon.[1][2] Bilang karagdagan, karaniwang nakikilala ang mga makroskopikong solong kristal sa pamamagitan ng kanilang heometrikal na hugis, na binubuo ng mga patag na mukha na may mga partiklar at karakteristikong oryentasyon. Ang siyentipikong pag-aaral ng mga kristal at pagbuo ng kristal ay kilala bilang krystalograpiya. Ang proseso ng pagbuo ng kristal sa pamamagitan ng mga mekanismo ng paglaki ng kristal ay tinatawag na krystalisasyon o solidipikasyon.

Ang salitang kristal ay nagmula sa Sinaunang salitang Griyego na κρύσταλλος (krustallos), ibig sabihin ay parehong "yelo " at "batong kristal",[3] mula sa κρύος (kruos), "malamig na malamig na yelo, yelong kristal".[4][5]

Kabilang sa mga halimbawa ng malalaking kristal ang mga snowflake (o piraso ng niyebe), diyamante, at asin. Karamihan hindi kristal ang mga di-organikong solido kundi mga polikristal, ibig sabihin, maraming mga mikroskopikong kristal na pinagsama-sama sa isang solido. Kabilang sa mga polikristal ang karamihan sa mga metal, bato, seramika, at yelo. Ang pangatlong kategorya ng mga solido ay mga solidong amorpo, kung saan walang peryodikong estruktura ang mga atomo kahit ano pa man. Kabilang sa mga halimbawa ng solidong amorpomo solids ang salamin, pagkit, at maraming plastik.

Sa kabila ng pangalan, ang kristal na tingga, salaming kristal, at mga kaugnay na produkto ay hindi mga kristal, subalit sa halip ay mga uri ng salamin, iya ay, mga solidong amorpo.

Ang mga kristal, o mga mala-kristal na solido, ay kadalasang ginagamit sa mga seudosiyentipiko na kasanayan gaya ng terapiyang kristal, at, kasama ng mga bayong-hiyas, nauugnay minsan sa pangungubaw sa mga paniniwalang Wiccan at mga nauugnay na relihiyosong kilusan.[6]

  1. Stephen Lower. "Chem1 online textbook—States of matter" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-09-19.
  2. Ashcroft at Mermin (1976). Solid State Physics (sa wikang Ingles).
  3. κρύσταλλος, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, on Perseus Digital Library (sa Griyego)
  4. κρύος, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, on Perseus Digital Library (sa Griyego)
  5. "crys·tal". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-17.
  6. "The Magic of Crystals and Gemstones". WitchesLore (sa wikang Ingles). 14 December 2011. Nakuha noong 14 November 2016.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne