Kabuuang populasyon | |
---|---|
86,500,000 | |
Mga rehiyong may malalaking populasyon | |
Karamihan sa Luzon at Visayas at minoridad sa Mindanao (dahil sa pangingibabaw ng pananampalatayang Islam) | |
Mga wika | |
Tagalog, Latin, Ingles, Bikolano, Aklanon Waray, Sebwano, Iloko, Hiligaynon, Bisaya, Pangasinense, Mëranaw, Kapampangan, Surigaonon, Karay-a, Ivatan, Chavacano, at iba pang mga wikang Pilipino |
Nakaranggo ang Pilipinas bilang ika-5 pinakamalaking Kristiyanong bansa sa Daigdig noong 2010,[2] kung saan halos 93% ng populasyon ang mga tagasunod.[1] Magmula noong 2019[update] , ito ang pangatlong pinakamalaking bansang Katoliko sa buong mundo (Brasil at Mehiko ang unang dalawa) at isa sa dalawang pangunahing bansang Katoliko sa Asya (Silangang Timor ang isa pa).[3]
Ayon sa pambansang senso ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika para sa taong 2010, tinatayang 90.1% ng mga Pilipino ang mga Kristiyano na binubuo ng 80.6% Katoliko, 2.7% Ebandyeliko, 2.4% Iglesia ni Cristo, 1.0% Aglipayan, at 3.4% iba pang mga pangkat-Kristiyano kabilang ang iba pang denominasyong Protestante (Bautista, Pentekostal, Anglikano, Metodista, at Adbentistang Pang-ikapitong Araw) pati na rin ang Ortodokso. Humigit-kumulang ng 5.6%[4] ng buong bansa ang Muslim; halos 1.0% hanggang 2.0% ang Budista; 1.8% ng buong populasyon ang sumusunod sa iba pang mga independiyenteng relihiyon, habang ang 1.0% hanggang 11.0% [5] ang di-relihiyoso.[6]