Ang Krus na Pula ng Pilipinas (Ingles: Philippine Red Cross) ay nagsimula noong 1947. Miyembro ito ng Kilusang Pandaigdig ng Pulang Krus at Pulang Gasuklay. Nagbibigay ito ng anim na pangunahing mga palingkuran: serbisyong may kaugnayan sa pagkalap at pamamahagi ng dugong panagip-buhay, pamamahala sa mga kapanahunan ng mga sakuna, mga palingkurang pangkaligtasan at pag-iingat, kalusugang pangkomunidad at pagaalaga (narsing), palingkurang panlipunan, at mga serbisyong kusang-loob (boluntaryo).[1]