Ang mga kulay (Ingles: colour (UK) o color (US); Kastila: color) ay mga katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao na maaaring matingkad o mapusyaw.[1] Nanggagaling ang kulay ng kalikasan mula sa sinag ng araw. Pinaghihiwahiwalay ng bahaghari ang lahat ng mga sinag ng araw. Makikita natin sa loob ng bahaghari ang kadalisayan ng bawat kulay.[2]