“ | Lagi niyong tandaan na kayo ay tumanggap ng isang selyong spiritwal, ang espiritu ng pag-unawa, tamang pag-iisip at kagitingan, kaalaman at pitagan, at ang banal na pangingimi sa Diyos. Lagi niyong bantayan ang ang inyong nakamit. Minarkahan kayo ng Diyos Ama; niratipikahan kayo ng Panginoong Hesukristo. Nasa puso ninyo ang Espiritu.[1] | ” |
—San Ambroso |
Ang Kumpil, na tinatawag din na Krismasyon[2], ay isa sa pitong Sakramento ng Katolisismo para sa paggawad ng grasyang santipiko at pagpapalakas ng pagkakaisa sa pagitan ng kaluluwa at ng Diyos.
Makikita ang pinagmulan ng Sakramento ng Kumpil sa libro ng Mga Gawain (8: 14-17) at sa Ebanghelyo ni Juan (ika-14 Kapitulo).