Ang lagnat[1] o sinat[1] ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan hanggang sa punto, kalagayan, o hangganang mas mataas kaysa pangkaraniwan o normal na 99.5 degri o gradong Fahrenheit. Isa itong tanda o sintomas ng pagkakaroon ng sakit o karamdaman. Sa karamihan ng mga kaso ng pagkakaroon ng sinat, nangangahulugang may impeksiyon sa loob ng katawan.[2] Kaugnay ng sinat o saynat, mas karaniwang tumutukoy ito sa bahagyang lagnat, malimit saynatin (madalas sinatin), at lagnatin nang bahagya (magkalagnat ng bahagya).[3].
Ang lagnat ay isa sa pinakakaraniwang simbolo ng medikal. Ito ay napupuntahan ng doktor na 30 porsyento sa mga bata, at 70 porsyento sa mga matatanda.